Текст песни «Anak» — Side A

Текст песни «Anak» из альбома 1994 года «The Platinum Collection» Side A.


Anak

Noong isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo’y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo At sa gabi’y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo At sa umaga nama’y kalong ka Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo
Ngayon nga ay malaki ka na Nais mo’y maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila’y sinuway mo Di mo man lang inisip na Ang kanilang ginagawa’y para sa iyo
Pagkat ang nais mo’y
Masunod ang layaw mo Di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo’y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong,"anak, ba’t ka nagkaganyan"
At ang iyong mga mata’y biglang lumuha ng di mo napapansin
Nagsisisi at sa isip mo’y
Nalaman mong ika’y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo’y
Nalaman mong ika’y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo’y
Nalaman mong ika’y nagkamali…

Клипы и ролики

Видео клипы к песне подбираются автоматически сайтом youtube.com. Возможны некоторые несоответствия клипов песне.